Ang sabi mo noon
Mahal mo ako
dahil sa maningning kong mga mata
dahil sa makislap kong ngiti
dahil sa makinis kong mukha
at dahil sa mapula kong mga pisngi
Mahal mo ako
dahil sa matamis kong tinig
dahil sa marikit kong mga kilos
at dahil sa nakabibighani kong paraan
na pukawin ang lahat kapag ako’y nagsasalita
Kaya tinatanong kita ngayon
Mahal mo pa rin ba ako
kahit ang ganda ko’y lipas na,
kahit wala na ang kislap ng aking ngiti’t mata,
kahit puno na ang mukha ko ng kulubot
at kahit ang mga pisngi ko’y humpak na?
Mahal mo pa rin ba ako
kahit natupok na ng panahon ang aking lakas
kahit hindi mo na masasaksihan ang aking mga galaw
at kahit wala nang gustong makinig
sa namamaos ko na ring tinig?
Wala kang masagot.
Thursday, April 7, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Featured Post
I write less now
Sadness was my muse, I lived with her for decades she held me and cried with me in the dark, and I held her close, immortalized her in my wr...
Popular
-
“Hey stranger!” Said a voice from my right side. It was a young man in a white tank top, beach shorts and flip-flops. He had a perfect...
-
(This is an excerpt from 'The Path Not Taken', the last paper submitted for En 101.) My grandmother sits on her La-Z-Boy alone in t...
-
I grew up riding the kalesa. They used to be found everywhere--well, at least in my little Chinatown district called Binondo. I used to ride...
omg i read this sa matanglawin!!! ikaw pala nagsulat OMMGGG.
ReplyDeleteMicha talaga. </3 :))
ReplyDelete