Kung tutuusin,
Tayong dalawa’y bilanggo:
Ikinukulong ko
Ang iyong
alaala
Sa aking guni-guni
Ang iyong bawat kilos,
Bawat galaw,
Bawat kumpas ng iyong kamay,
Pinagmamasdan–
Nang wala kang kamalay-malay.
At ikinukulong mo rin ako
Sa masakit na katotohanang
Ang iyong bawat kilos,
Bawat galaw,
Bawat kumpas ng iyong kamay,
Ay patuloy na lamang
Na pagmamasdan–
Kailanman,
‘Di ka maaabot
At ang puso’y tutupukin
ng lungkot–
Nang wala kang kamalay-malay.
Friday, April 8, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Featured Post
the days
the days pass quick as quick and as silly as trying to catch rabbits popping out of rabbit holes we just love watching them come and go fuzz...
Popular
-
(I read this poem in the train I rode today on the way home. I liked it so much, I wanted to share it with you guys.) sticking my head ou...
-
I have found comfort in being the constant of being enamored by you, without wishes, without promises, or confessions, just conversati...
-
Sadness was my muse, I lived with her for decades she held me and cried with me in the dark, and I held her close, immortalized her in my wr...
GALING! 8O
ReplyDelete:((
ReplyDeleteStalker mode nga yan e. Trololololol. Hahaha.
ReplyDeleteosom. :))
ReplyDelete