Napakahirap siguro maging kandila.
Sinisilaban at tinutunaw ko ang 'yong kabuoan
para lang mabigyang-ilaw
ang 'di-mo-naman-alam-kung-ano,
ang 'di-mo-naman-sigurado,
ang 'di-mo-naman-alam-kung-may-mararating.
Gusto ko nang hipan
kasi parang ako yung nasasaktan minsan.
Masarap siguro tigilan,
no?
Pero,
mahirap magbasa sa dilim.
Kaya't habang dakot ka sa katawan ng aking kaliwa't
nakapiring sa'yo ang palad ng aking kanan
haharangan ko pati ginhawa sa'yo ng ihip ng hangin
at itatanim kita sa lata ng sardinas.
Babayaran nalang kita ng sanlibong,
'salamat,'
at sanlibong,
'mahal kita.'
'yan lang ang meron ako eh.
'yan lang ang kaya ko eh.
Kasi,
hindi ko pa ata kaya't
hindi pa ako handang
masilaban at matunaw.
Ako n'ang papatay sa'yo 'pag tapos na ako;
kasi,
mahirap magbasa sa dilim.
Kahit wala nang natira sa'yo
kundi ang kakarampot na mitsa
at lata ng sardinas.
Thursday, April 30, 2015
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Featured Post
Conception Dream
I have written about stars often, with love and longing, with wonder, enchantment, and he lives with me now, My North Star, my anchor, my gu...
Popular
-
(I read this poem in the train I rode today on the way home. I liked it so much, I wanted to share it with you guys.) sticking my head ou...
-
I have found comfort in being the constant of being enamored by you, without wishes, without promises, or confessions, just conversati...
-
What good are big hands, if not to use them for love? To play perfect octaves with, to craft sculptures and pottery with, To work sapli...
This is AMAZING, Jeth! :((
ReplyDelete