nakabukas ang bintana ngayo'y tahimik ang gabi,
malamig ang simoy ng hangin.
'sinlamig ng boses, at hinhin
ng Amihang bumubulong sa atin
ng mga talatang sakop ang mga bituin
at mga kaluluwang mulat at gising,
hawak-hawak ang ating pluma,
ang tula nati'y dito magsisimula.
No comments:
Post a Comment