Saturday, July 27, 2024

Ginhawa

Anim na taong tiis

ang uhaw

na, maski makapagtampisaw sa 

sariwang batis, 

o rumaragasang ilog,

tikom ang labi't

laway lamang ang 

ni

lu

lu

nok;

panandaliang ginhawa sa

nanunuyo't bitak na labi.


Anim na tao'ng tiniis

kaya't

'di mapapawi

kahit salukin pa

ng baso-kada-baso

o sa hulma ng aking kapalaran

(walang patak ang masasayang sa siwang ng mga daliri) 

ang iyong karagatan, lahat

la

la

gu

kin;


ginhawa, sa wakas.

No comments:

Post a Comment

Featured Post

the days

the days pass quick as quick and as silly as trying to catch rabbits popping out of rabbit holes we just love watching them come and go fuzz...

Popular